3:07 PM

YMO on facebook

Dear Members,

Finally, facebook account...email ad: youngmonicans@gmail.com

Join our group on facebook. Group name: Young Monicans Organization

5:59 PM

YMO for Christ - TGIS

Nagpaplano ang YMO na magkaroon ng ala Youth for Christ session every Saturday afternoon. Ang main goal is to enrich the spiritual aspect of each member. It would be like a BEC (Basic Ecclesial Community)

TGIS - Thank God it's Saturday...

It is a way of spreading God's salvation to each member in a such a way na makakarelate ang youth... Relating to present issues that the youth is encountering today. Kasama dito ang peer counseling... at sharing of thoughts and ideas... Each member would be given a chance to speak up or express what they feel whithout resentment pero hindi rin kokonsintihin kung mali. We will build a support group for each other encouraging them to be the best that they can be and to change for God's glory...

Enriching spiritual side and strengthening each members relationship with God. We will also include Catechism... Kung may mga questions ang mga members regarding our religion or the stand of the Church on some issues , we would consult our Spiritual advisers, para malinawan na rin ang mga doubts and questions.

Layunin ng YMO that each members will have "a life well lived." Instead na chismis ang pag-usapan, better yet pag-usapan:

- ang kabutihan ng Diyos; na maramdaman ng mga tao na God is with them
- ang mga paraan para maging mas better person
- maging solusyon sa halip na magdulot ng problema
- tulungan ang kapwa para maging better individuals din sila; akayin sila sa oras ng kagipitan at dalamhati sa buhay
- maging grateful kay God sa mga blessings Nya ; ang mapansin ang mga bagay na madalas natin ipagsawalang bahala, mga little things in life that we have that we should be thankful for

Sa Saturday, we will have a meeting to finalize the activity ( you may ask kuya Jes, for the exacct time of the meeting) . We would appreciate your inputs to make this activity better.

8:05 PM

Panunumpa sa Tungkulin


Naaala nyo ba ang ating sinumpaang tungkulin (YMO oath) nuong ika-31 ng Oktubre,2008?

BISITA NG STA. MONICA
Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan

YOUNG MONICANS ORGANIZATION
(
Samahan ng Kabataan ng Sta. Monica)

PANUNUMPA SA TUNGKULIN


Ako, si ________(sabihin ang pangalan) kasapi ng YOUNG MONICANS ORGANIZATION na kumakatawan bilang _______(sabihin ang posisyon), ay buong puso na nangangakong susuportahan at susundin ang mga patakaran at alituntunin ng YOUNG MONICANS ORGANIZATION. Buong katapatan kong pangangalagaan at pauunlarin ang mga ipinagkatiwalang tungkulin at responsibilidad, upang makamtan ang mga magagandang layunin ng samahan.
Sisikapin kong paunlarin sa lahat ng oras, ang mataas na antas ng isang maka-Diyos na pamumuhay, sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga kabataan, komunidad, at Simbahan. Ito ay kusang-loob kong obligasyon, na walang pag-iimbok o ano mang layuning pansarili.
Kung kaya't tulugan nawa ako ng Panginoon.




Matapos nito ang pagbebendisyon sa mga bagong miyembro ngspriritual adviser ng YMO na si Fr. Boyet Liongson, at ang prusisyon bilang pagtatapos ng Buwan ng Rosaryo.

>>> click this for some pics<<<






6:52 PM

Reponsibilidad

Bawat miyembro ng ano mang samahan ay may kaakibat na reponsibilidad. May iba't-ibang dahilan tayo kung bakit tayo sumali sa YMO: para magkaroon ng maraming kaibigan, para maibahagi ang talentong bigay ng Panginoon, para makilala ang sarili, para matutong makipagkapwa-tao, para mahubog ang pagkatao... ang buong pagkatao.

Subalit ang iba, sumali lang para magkaroon ng discount sa gymn ni Tito Ronie, ang iba para may mailagay lang sa resume na may organisasyon silang sinamahan, ang iba para sumikat, ang iba naman ay para magespiya (siguro, may mga nagsasabing meron daw... ito ang pinaka nonsense at most stupid idea ever!!! ang manira ng isang samahan...too bad move).


Ano't-ano pa man ang dahilan, dapat nating isa-isip na tayong mga miyembro ng Young Monicans Organization ay may sinumpaang tungkulin. Bilang miyembro ng YMO, tayo ay inaasahang maging mabuting ehemplo sa ating mga kapwa kabataan at mga kababaryo... Hindi lang natin ito responsibilidad bilang isang miyembro ng YMO, kundi bilang isang mabuting Kristyano, bilang isang Katoliko, at bilang anak ng Diyos.

Hindi sumasang-ayon ang Young Monicans Organization sa mga hindi mabuting gawain tulad ng:

  • madalasang pag-iingay sa kalsada sa disoras ng gabi ng walang balidong dahilan
  • ang pag-inom ng sobra sa puntong hindi na makontrol ang sarili at nakakasakit at nakaka-agrabyado ng kapwa.... hindi kami sumasang-ayon sa paglalasing. Lahat ng labis ay masama
  • pagtambay sa kalsada nga hating gabi

Maaaring isa o ilan sa mga miyembro ay nagkakaroon ng ilang mga pagkakamali. Pero bilang inyong kapamilya ay tungkulin din namin, tungkulin ng bawat isa sa atin na paalalahanan ang bawat isa sa mga pagkakataong tayo ay nakakalimot... Naitatag ang samahang ito upang gabayan ang isa't-isa patungo sa ikauunlad at ikabubuti hindi lang ng isa, dalawa, o tatlong tao, kundi ng nakararami. At ang lahat ng ito ay inaaalay natin para sa Dakilang Lumikha.

Young Monicans Organization, tayo ay inaasahan... Hindi tayo ang magsisilibing kabiguan... Tayo ang magiging pag-asa... magiging inspirasyon....

8:55 PM

Ang Krus mula sa September 11- World Trade Center Incident

I can't think of any title from this post. September 11,... 9/11.. Sino nga ba ang hindi makakalimot sa araw na ito. Naaalala ko pa, our class is on the way back to school from our retreat in Tagaytay. While we were on the bus, our class adviser asked as to have a minute of silence and pray for the victims of the said tragedy. Pagbalik namin sa aming mga tahanan, at pagbukas ng TV ay puro tungkol sa 9/11 incident. Kahit hindi ka masyadong familiar sa World Trade Center ay magkakaroon ka na ng ideya tungkol dito sapagkat ito ang laman ng mga balita.

Sino ba ang mag-aakala na ang isang sa mga bansang tinitingala ng lahat, isa sa mga bansang hinahangaan dahil sa kanilang intelligence group at security measures ay magkakaroon ng ganitong trahedya na maaari namang naiwasan. Sino ang mag-aakalang simpleng patalim lamang ang magagamit para ma 'hijack' ang isang eroplano, at kumitil ng maraming buhay, at magdulot na mga ulila sa magulang, kapamilya, kaibigan at mga minamahal. Hindi lang isa, dalawa, o sampung mga buhay na biglang nawala... kung hindi libo...libo-libong buhay ang naibuwis...

Ang istorya, parang mga napapanood lang natin telebisyon. May isang 'evil wicked person' na gustong maging makapangyarihan, isang sakim na gustong sakupin ang daigdig at maghahasik na siya ng lagim... Di tulad ng mga napapanuod natin sa TV na pag may isang eroplanong babagsak, darating si 'superhero' para iligtas ang mga tao. Malapit nang sumalpok ang eroplano sa isang napakatayog na 'building', pero hindi dumating si Superman,...walang bird, merong plane, pero wala si 'superman'... at sa ilang segundo pa ay parang uno-stak-o na biglang gumuho ang 'World Trade Center'... Maraming mga bata ang nawalan ng magulang... mga nagmamahalang nagkahiwalay at hindi na muling makikita pa... mga pangarap na kasamang gumuho ng gusaling ito... Ang lahat ng ito ay nangyari dahil lamang sa kasakiman ng tao, ang pagiging ganid sa kapangyarihan, o kaya'y masasabi nating paghihganti? Tila isang telenovela nga ano? Pero kung sa totoong buhay pala ay talagang nakakakilabot ang mga ganitong pangyayari.

Pero mas nakakakilabot pa ang balitang nalaman ko. Sa dami ng mga remnants ng mga gumuhong building, ay mayroong isang distinct figure ang makikita... Mula sa mga beams na parte ng gumuhong gusali ay nabuo ang isang "Krus". 'The Cross at the Ground Zero" (tinawag na ground zero ang lugar na pinangyarihan ng insidente) Imagine, isang krus ang nakatayo amidst ng mga bloke ng mga pirapirasong bakal at semento mula sa gumuhong World Trade Center.


Maraming naging emosyonal ng makita ang krus na ito. Maski ako nuong mga panahong iyon, kahit sa e-mail ko lang nakita ang imahe ay na 'touched'... Ang unang pumasok sa aking isipan pagkakita niyon: " God is still with us" Para bang sinabi ni God na "andito pa rin Ako, kasama niyo Ako." Ang krus na ito ay isa sa nagbigay daan upang mabigyan ng pag-asa ang mga tao. Hindi lamang ang mga taga-amerika, kundi tayong lahat... Na sa kabila ng lahat ng mga masasamang pangyayari na nararanasan natin sa ating buhay ay nariyan ang ating Ama, ang Diyos, na handang suportahan tayo para muling bumangon, umahon, at tumayo sa pagkakalugmok, sa pagkakadapa. Tulad ng bansang Estados Unidos, may mga pagkakamali din tayong nagawa. May mga malulungkot din tayong pangyayari sa ating buhay. Subalit, gaya ng bansang ito at mga mamamayan nito, ang mga sakuna ay hindi tuluyang magpapabaksak sa atin. Hindi ito mitsa at dahilan para huminto ang ating buhay. "Move-on" wika nga, at matuto sa mga pagkakamali. Tuloy pa rin ang buhay, hababang may hangin tayong nalalanghap at tumitibok pa ang ating mga puso.

Ang krus na natagpuan sa lugar na pinaguhuan ng World Trade Center ay nagpapaalala sa atin na mayroong Diyos... na sa panahong akala natin ay nakalimutan na tayo ng Diyos, ay duon pa nating mararamdaman na hindi Niya tayo iniwan at hindi pababayaan lalo na sa mga panahong tayo ay nasa kagipitan at pagdadalamhati.

7:57 PM

Upcoming Reunion ng Kursilyo Boys

Tomorrow, Saturday, September 12, 2009 will be the reunion of the kursilyistas : Jhay, Roldan, Ponga, Benjie, Uben. Adam, Kim, RJ, Tone, Michael, Lucky,...

Good luck and God bless sa Reuinion :)

12:00 AM

SMS




Mahilig po ang YMO mag- gm/ gt... Share ko lang ang yung ilan sa mga msgs received... Disclaimer : ang mga msgs na ito are not meant to guide or persuade you in any way possible, some are just jokes, so don't take them too seriously.












" life has no ctrl + Z...."















" hangga't di mo pa nahahanap


ang taong para sayo...



saken ka muna"











"wg kng mahuhulog s


taong d marunong sumalo



masasaktan k lang


kapag nalaman mong


may karga pa syang iba "


- eto naman sadyang ymotera talaga hehehe (padaanan pa kaya ako ng gm nito pag nabasa nya to?...)






"kaya ko naman ng wala sya eh...



yun nga lang di na


ganung kasaya"




- eto drama mode ang nag send






" frndship is ranked by...




whom we hav

known d

longest




who came

1st or

who caRes

d best




it's


about




who came...





and



NEVER LEFT...."









"nranasan mo

n bng

maligaw s bayan

ng Hagonoy?




ang matagayan ng alak

s

WAWA at SN NICOLAS?



ang mbugbog s

MERCADO?



ang mhuli ng curfew s

STA ELENA?



ang mbaril s

SAN AGUSTIN?



ang mapagtripan

sa

PERALTA?



ang paglaruan ng maligno

sa IBA at CARILLO?




ang malunod sa TIBAGUIN

at PUGAD




ang madulas s court ng

GRANDSTAND?




ang harangin sa SN PASCUAL?


ang maholdap s SN PABLO?




anu p tra n byahe tayo

clipin natin ang ganda ng


Hagonoy"






-grabe naman ang nagsend ng msg na to...di ko alam kung may pagkabitter sa mga taga hagonoy ang author ng sms na to...









" u may b dcvd if u


trust 2much, but u wil liv


n torment if u dont


trust enuf"






"sumtyms,


ppol decyd


2 be


JUST FRIENDS




even if their feeling

s mutual




not bcoz lov


s hard 2 sustain



but bcoz




COMMITMENT

complicates evrythng"






"3 tanga nagsisisikan sa

maliit na kama



t1: para ndi tau ksya

bwas tau ng 1

x lapag na lang

ma2log yung 1



-- bumaba ang isa



t2: yn pare maluwag na

akyat k n d2"





" me quota ang pag-ibig

sa bwat 5 nagmamahal,

isa lang ang nagigigng maligaya"






'it's damn hard to deal

with emotions

when u want to

touch sum1 but u cant...




there's nothing u can

do abt it..



no matter how hard u try 2 distract

urself, how u try to smile



& laugh it out




it still comes to that point

where u find ur self alon even

in a happy crowd...



helplessly missing that



one person

you've been



wanting so much"






"things jst happen



thngs dat we may nerver


understand






but we jsut have to beleive


dat it's 4 d best





even if it doesn't always seems that way..."









" no act of kindness

no matter how small

is never wasted - aeosop"






" d fastest way to lose

love is to hold it too

tightly



and the best way 2 kip it

is 2 giv it wings"






"sum1 askd me,


how 2 avoid pain





i laughed then answered slowly




it's easy




just open ur eyes




den close ur heart"








" d longer u wait for sumthing



d more u APPRECIATE it


wen u get it..."



- oo nga i agree











11:43 AM

Birthday ni Mother Mary



Last September 8, birthday ni Mama Mary... Belated Happy Birthday !!!

11:15 AM

YMO on You tube and other sites

Ang ilan sa mga videos ng YMO ay nasa youtube na. Heto ang link :

http://www.youtube.com/youngmonicans

'Yung first day ng Senakulo presentation uploaded na. However merong ibang mga scenes na hindi ma-upload,laging nag-eeror message...


May friendster at multiply site din ang YMO... To follow na yata ang facebook. Nag-volunteer si Kuya Ge na mag- maintain ng site.

Ang site din ng Hermanidad ng Sta. Monica try nyo din visit. Stated sa site na ito ang joint project ng Hermanidad ng Sta. Monica at Young Monicans Organization.

Pagpasensyahan nyo na kung taglish ang mga post dito... alam kong medyo ang pangit tingnan gramatically...

10:48 AM

Welcome... Tuloy po Kayo

The debut post. I was wondering if this should be formal or as wacky as ever.

This site is owned by Young Monicans Organization, dedicated to everybody.

WE are hoping that this site will help the members and non-members if this organization in one way or another.

So help us God.