3:00 PM

Mapalad pa din Tayong mga Taga-Sta.Monica

Ang bagyong Ondoy ay isa sa mga bagyong gumulantang sa mga taga-Luzon... Sinundan pa ito ng Bagyong Pepeng.... Maraming buhay ang nasawi at mga pag-aaring nawasak. Isang flash flood ang naganap sa lugar ng kamaynilaan, sa ilang iglap lamang ay lubog na ang mga ari-arian, buong bahay at lampas tao pa ang taas ng baha. Ang mga kotse ay palutang-lutang. Idagdag mo pa dito ang putik na baha at mga basura. Hindi lang ito basta hihg-tide kagaya ng nararanasan natin sa
Sta. Monica, na makalipas ang ilang oras ay lumilitaw na ang ating mga kalsada at mga bakuran. Hindi ito high-tide tulad ng sa Sta. Monica, na sa ilang saglit lamang ay lubog na ang buong bahay mo.
Napakapalad pa rin natin kung ikukumpara sa mga nasalanta. Nagbigay ng perwisyo si Ondoy, may ilan sa ating mga kababaryo ang nagsipagtaas na ng kanilang mga gamit bilang paghahanda kung sakaling bumuha. Hindi bumaha kagaya ng sa Maynila ang Sta. Monica, Salamat po sa Diyos at sa ating Patrona... Lumipas si Ondoy, at si Pepeng naman. Nagulat din ang buong bansa dahil sa biglaang pagbaha sa maraming parte ng Pangasinan. Sa ilang iglap lang ay maraming bahay pa rin ang lumubog. Isa ulit flash flood ang naganap. Hindi sila nakapaghanda sa sakunang nangyari.
Nagtaas ulit ng mga gamit ang mga taga-Sta. Monica, bilang paghahanda sa epekto ni Pepeng. Ilang mga araw pa ang lumipas, at tsaka pa lamang nakarating ang baha sa ating lugar. Perwisyo din. Nasalanta din ang mga taga-Sta. Monica. Subalit higit tayong mas mapalad kaysa sa mga nasalanta sa Maynila at sa Pangasinan. Maraming panahon ang ibinigay sa atin upang tayo ay maging handa. Oo nga't pinasok ng tubig baha ang ating mga bahay, subalit hindi naman lubog ang ating mga bubong. Maraming salamat sa Diyos at sa ating Patrona.
Ang mga taong nalubog ay salat sa pagkain, subalit hindi ang mga taga-Sta.Monica... Wohoo, andiyan ang bangus, hipon, sugpo at alimango!!! Saan ka pa? :) Nagkakasawan na nga sa sea foods ang mga nabaha. Pagkain pa mismo ang pumapasok sa loob ng bahay kasama ng baha...Tunay ngang pinagpaala ang ating munting baryo. Maraming salamat sa Diyos at kay Apo Monic. Marahil isa sa dahilan kung bakit hindi tayo nasalanta ay ang likas na malakas na tiwala t pananampalataya sa Diyos. Ang palagiang pagdarasal at prusisyon alay sa Panginoon., kasama na dito ang pagtulong ng ating mahal na patrongang si Apo Monic.

0 comments:

Post a Comment