October na... October fest... October feast, sapagkat malapit na ang ating anniversary....
October na... Ito ang simula ng araw ng Buwan ng Rosaryo.... Bilang pakikiisa sa Buwan ng Rosaryo sa ating baryo, ang YMO ay naka-takda na mamuno ng pagrorosaryo sa bisita tuwing Linggo, sa ganap na ika-6 ng gabi sa Bisita ni Apo Monic. Ito ay gaganapin sa buong buwan ng Oktobre.
Sa huling araw ng pagtatapos ng Buwan ng Rosaryo ay magkakaroon ng Banal na Misa na susundan ng isang prusisyon sa ating baryo.
Mga kwentong YMO... ang diary ng YMO Samu't saring kwentong nakakaaliw, minsan nakakabagot, minsa nakakainis...
Labels: Events
Nagpaplano ang YMO na magkaroon ng ala Youth for Christ session every Saturday afternoon. Ang main goal is to enrich the spiritual aspect of each member. It would be like a BEC (Basic Ecclesial Community)
TGIS - Thank God it's Saturday...
It is a way of spreading God's salvation to each member in a such a way na makakarelate ang youth... Relating to present issues that the youth is encountering today. Kasama dito ang peer counseling... at sharing of thoughts and ideas... Each member would be given a chance to speak up or express what they feel whithout resentment pero hindi rin kokonsintihin kung mali. We will build a support group for each other encouraging them to be the best that they can be and to change for God's glory...
Enriching spiritual side and strengthening each members relationship with God. We will also include Catechism... Kung may mga questions ang mga members regarding our religion or the stand of the Church on some issues , we would consult our Spiritual advisers, para malinawan na rin ang mga doubts and questions.
Layunin ng YMO that each members will have "a life well lived." Instead na chismis ang pag-usapan, better yet pag-usapan:
- ang kabutihan ng Diyos; na maramdaman ng mga tao na God is with them
- ang mga paraan para maging mas better person
- maging solusyon sa halip na magdulot ng problema
- tulungan ang kapwa para maging better individuals din sila; akayin sila sa oras ng kagipitan at dalamhati sa buhay
- maging grateful kay God sa mga blessings Nya ; ang mapansin ang mga bagay na madalas natin ipagsawalang bahala, mga little things in life that we have that we should be thankful for
Sa Saturday, we will have a meeting to finalize the activity ( you may ask kuya Jes, for the exacct time of the meeting) . We would appreciate your inputs to make this activity better.
Labels: Events
