8:55 PM

Ang Krus mula sa September 11- World Trade Center Incident

I can't think of any title from this post. September 11,... 9/11.. Sino nga ba ang hindi makakalimot sa araw na ito. Naaalala ko pa, our class is on the way back to school from our retreat in Tagaytay. While we were on the bus, our class adviser asked as to have a minute of silence and pray for the victims of the said tragedy. Pagbalik namin sa aming mga tahanan, at pagbukas ng TV ay puro tungkol sa 9/11 incident. Kahit hindi ka masyadong familiar sa World Trade Center ay magkakaroon ka na ng ideya tungkol dito sapagkat ito ang laman ng mga balita.

Sino ba ang mag-aakala na ang isang sa mga bansang tinitingala ng lahat, isa sa mga bansang hinahangaan dahil sa kanilang intelligence group at security measures ay magkakaroon ng ganitong trahedya na maaari namang naiwasan. Sino ang mag-aakalang simpleng patalim lamang ang magagamit para ma 'hijack' ang isang eroplano, at kumitil ng maraming buhay, at magdulot na mga ulila sa magulang, kapamilya, kaibigan at mga minamahal. Hindi lang isa, dalawa, o sampung mga buhay na biglang nawala... kung hindi libo...libo-libong buhay ang naibuwis...

Ang istorya, parang mga napapanood lang natin telebisyon. May isang 'evil wicked person' na gustong maging makapangyarihan, isang sakim na gustong sakupin ang daigdig at maghahasik na siya ng lagim... Di tulad ng mga napapanuod natin sa TV na pag may isang eroplanong babagsak, darating si 'superhero' para iligtas ang mga tao. Malapit nang sumalpok ang eroplano sa isang napakatayog na 'building', pero hindi dumating si Superman,...walang bird, merong plane, pero wala si 'superman'... at sa ilang segundo pa ay parang uno-stak-o na biglang gumuho ang 'World Trade Center'... Maraming mga bata ang nawalan ng magulang... mga nagmamahalang nagkahiwalay at hindi na muling makikita pa... mga pangarap na kasamang gumuho ng gusaling ito... Ang lahat ng ito ay nangyari dahil lamang sa kasakiman ng tao, ang pagiging ganid sa kapangyarihan, o kaya'y masasabi nating paghihganti? Tila isang telenovela nga ano? Pero kung sa totoong buhay pala ay talagang nakakakilabot ang mga ganitong pangyayari.

Pero mas nakakakilabot pa ang balitang nalaman ko. Sa dami ng mga remnants ng mga gumuhong building, ay mayroong isang distinct figure ang makikita... Mula sa mga beams na parte ng gumuhong gusali ay nabuo ang isang "Krus". 'The Cross at the Ground Zero" (tinawag na ground zero ang lugar na pinangyarihan ng insidente) Imagine, isang krus ang nakatayo amidst ng mga bloke ng mga pirapirasong bakal at semento mula sa gumuhong World Trade Center.


Maraming naging emosyonal ng makita ang krus na ito. Maski ako nuong mga panahong iyon, kahit sa e-mail ko lang nakita ang imahe ay na 'touched'... Ang unang pumasok sa aking isipan pagkakita niyon: " God is still with us" Para bang sinabi ni God na "andito pa rin Ako, kasama niyo Ako." Ang krus na ito ay isa sa nagbigay daan upang mabigyan ng pag-asa ang mga tao. Hindi lamang ang mga taga-amerika, kundi tayong lahat... Na sa kabila ng lahat ng mga masasamang pangyayari na nararanasan natin sa ating buhay ay nariyan ang ating Ama, ang Diyos, na handang suportahan tayo para muling bumangon, umahon, at tumayo sa pagkakalugmok, sa pagkakadapa. Tulad ng bansang Estados Unidos, may mga pagkakamali din tayong nagawa. May mga malulungkot din tayong pangyayari sa ating buhay. Subalit, gaya ng bansang ito at mga mamamayan nito, ang mga sakuna ay hindi tuluyang magpapabaksak sa atin. Hindi ito mitsa at dahilan para huminto ang ating buhay. "Move-on" wika nga, at matuto sa mga pagkakamali. Tuloy pa rin ang buhay, hababang may hangin tayong nalalanghap at tumitibok pa ang ating mga puso.

Ang krus na natagpuan sa lugar na pinaguhuan ng World Trade Center ay nagpapaalala sa atin na mayroong Diyos... na sa panahong akala natin ay nakalimutan na tayo ng Diyos, ay duon pa nating mararamdaman na hindi Niya tayo iniwan at hindi pababayaan lalo na sa mga panahong tayo ay nasa kagipitan at pagdadalamhati.

0 comments:

Post a Comment