6:52 PM

Reponsibilidad

Bawat miyembro ng ano mang samahan ay may kaakibat na reponsibilidad. May iba't-ibang dahilan tayo kung bakit tayo sumali sa YMO: para magkaroon ng maraming kaibigan, para maibahagi ang talentong bigay ng Panginoon, para makilala ang sarili, para matutong makipagkapwa-tao, para mahubog ang pagkatao... ang buong pagkatao.

Subalit ang iba, sumali lang para magkaroon ng discount sa gymn ni Tito Ronie, ang iba para may mailagay lang sa resume na may organisasyon silang sinamahan, ang iba para sumikat, ang iba naman ay para magespiya (siguro, may mga nagsasabing meron daw... ito ang pinaka nonsense at most stupid idea ever!!! ang manira ng isang samahan...too bad move).


Ano't-ano pa man ang dahilan, dapat nating isa-isip na tayong mga miyembro ng Young Monicans Organization ay may sinumpaang tungkulin. Bilang miyembro ng YMO, tayo ay inaasahang maging mabuting ehemplo sa ating mga kapwa kabataan at mga kababaryo... Hindi lang natin ito responsibilidad bilang isang miyembro ng YMO, kundi bilang isang mabuting Kristyano, bilang isang Katoliko, at bilang anak ng Diyos.

Hindi sumasang-ayon ang Young Monicans Organization sa mga hindi mabuting gawain tulad ng:

  • madalasang pag-iingay sa kalsada sa disoras ng gabi ng walang balidong dahilan
  • ang pag-inom ng sobra sa puntong hindi na makontrol ang sarili at nakakasakit at nakaka-agrabyado ng kapwa.... hindi kami sumasang-ayon sa paglalasing. Lahat ng labis ay masama
  • pagtambay sa kalsada nga hating gabi

Maaaring isa o ilan sa mga miyembro ay nagkakaroon ng ilang mga pagkakamali. Pero bilang inyong kapamilya ay tungkulin din namin, tungkulin ng bawat isa sa atin na paalalahanan ang bawat isa sa mga pagkakataong tayo ay nakakalimot... Naitatag ang samahang ito upang gabayan ang isa't-isa patungo sa ikauunlad at ikabubuti hindi lang ng isa, dalawa, o tatlong tao, kundi ng nakararami. At ang lahat ng ito ay inaaalay natin para sa Dakilang Lumikha.

Young Monicans Organization, tayo ay inaasahan... Hindi tayo ang magsisilibing kabiguan... Tayo ang magiging pag-asa... magiging inspirasyon....

0 comments:

Post a Comment